Tuesday, August 30, 2011

Itapon, Basura Nyo


Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, marami tayong nagagawang basura. Balat ng kendi, buto ng prutas, plastic cups, bote ng Coke, papel, balahibo ng manok. Ilan lamang ito sa mga basurang ating tinatapon sa mag-araw.

Dahil sa talamak na pagtatapon ng basura sa ating kapaligiran at ang mga kaakibat na problema nito, likas sa atin ang maghanap ng kasagutan. Karamihan, pinagbubukud-bukod natin ang bawat uri ng basura. Malata, di-malata, residual.


Meron namang biodegradable, non-biodegradable. Sa ganitong sistema, may mga basurang  nare-recycle. May iba  namang ginagawang biofuel.

Ngunit may mga basurang di nakikita. Tinatago natin ito sa kaibuturan ng ating kaluluwa. Mga pighati, poot, kabiguan, inggit, galit at iba pa.Ito ang mga basurang karapat-dapat na itapon sa paglubog ng araw. Sa tagal ng panahong pagkimkim sa salansang na damdamin, ito ay aalingasaw at sisira sa bawat relasyon ng mag-ama, mag-asawa, o magkaibigan.

Ito ang mga kaugnayang di natin hahayaang mawala. Kung sa gayon, isang mapanglaw na pagsalubong ang ating maidudulot sa pagsikat ng araw.

2 comments:

  1. Mapanglaw. Talamak. Poot and pighati. Wikain na tiyak napakatalinghaga para sa isang Bisdak na katulad ko, na wari'y salat ang kaalaman sa isang wikang hinirang na lingua franca sa kapanahunan natin ngayon.

    Mahabaging langit! Magunaw man ang lahat, huwag lang ang "umpugan sa tuktok." Huwag lang po.

    ReplyDelete
  2. Hahaha..Ikaw ay may lakas-loob na mag-iwan ng komentaryo. Binabati kita. 'igan. :D

    ReplyDelete